
Isang heartwarming performance ang hatid kahapon (November 7) ng Team nina Karylle, Amy Perez, MC, at Lassy sa “Magpasikat 2023” ng It's Showtime.
Isa sa guest celebrities ng nasabing team ay ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Related content: David Licauco's boy-next-door looks will make you kilig!
Matatandaan na ang Kapuso actor ay ang boses sa likod ng animated character na si Lulu, na ginamit sa performance ng Team KALM.
Sa Instagram, ibinahagi ni David ang mga larawan kasama ang Batang Cute-po na si Argus Aspiras at Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza, na isa sa mga hurado ng “Magpasikat 2023.”
Makikita rin sa post ang photo ni David kasama ang original Sang'gres ng Encantadia (2005) na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Diana Zubiri, at Karylle.
Labis ang pasasalamat ng aktor sa It's Showtime matapos ang kanyang appearance sa programa.
“What an experience!! Thank you so much for having me @itsshowtimena,” sulat niya sa caption.
Noong Setyembre, nagkaroon ng bonding moment sina David at Argus. Sa katunayan, tampok ang cute date ng dalawa sa unang vlog ng Sparkle star sa YouTube.
a date pic.twitter.com/TlRcbI7qeV
-- David Licauco (@davidlicauco) September 20, 2023