GMA Logo David Licauco and Barbie Forteza
Celebrity Life

David Licauco hanga at suportado si Barbie Forteza sa running era nito

By Kristian Eric Javier
Published May 19, 2025 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Scottie Barnes hits special triple-double, Raptors top Warriors in OT
1 dead, 1 hurt after tunnel collapses in Zamboanga del Sur
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Barbie Forteza


Puno ng paghanga si David Licauco sa fitness milestones na nakamit ni Barbie Forteza.

Active ngayon si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa running at sumasali pa sa fun runs. Sobrang hanga naman ang kaniyang ka-love team na si David Licauco, lalo na at isa siyang fitness enthusiast at dating collegiate athlete.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend kina Barbie at David nitong Linggo, May 18, ibinahagi ng aktor ang nakikita niyang determinasyon mula sa ka-love team.

“From a person na hindi nag-work out at all to 16 km and ang sabi niya sa akin kanina, hindi [raw] siya nahirapan. So she has really been working hard. She's very athletic now,” sabi ni David.

Patungkol naman kay Barbie, ipinahayag ng Pambansang Ginoo na proud siya sa aktres.

TINGNAN ANG WORK OUT ROUTINES NG ILANG ACTRESS NA MAGSISILBING FITSPIRATION SA GALLERY NA ITO:

Parehong into fitness ang dalawang Kapuso stars ngayon. Kung si Barbie abala sa pagtakbo, ang Pambansang Ginoo, nagwo-work out sa gym. Magkasama kaya sila sa isang pangmalakasan na takbuhan para ma-inspire at ma-motivate ang isa't isa?

Pag-amin ni Barbie, inaaya naman niya tumakbo si David, “Ini-invite ko siya mag-run. Nahihiya ako kasi nga lagi siyang busy, nakikita ko na lang siya sa social media.”

Maraming netizens na rin ang nakaka-miss sa tambalan ng BarDa, lalo na at huli silang napanood sa hist historical drama series na Pulang Araw na natapos naman noong December 27, 2024.

Ngayon ay abala si Barbie sa upcoming teleserye niya na Beauty Empire kung saan makakasama niya sina Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, at Gloria Diaz. Nagpahaging naman ang Pambansang Ginoo na tila gusto niyang mag-guest sa naturang programa.

“Magi-guest yata ako sa iyong teleserye. [Barbie: Gusto mo ba?] Puwede naman, depende sa'yo,” sabi ng aktor.

Ngunit pagbabahagi ni Barbie, “Pero basta marami po kayong aabangan. Hopefully, hopefully a movie this year.”

Panoorin ang panayam kina David at Barbie dito: