What's Hot

David Licauco, ibinida ang mga dapat abangan sa 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published April 17, 2026 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Balitanghali Livestream: April 17, 2026
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Ibinida ni David Licauco ang mga dapat abangan as susunod na episodes ng 'Never Say Die.'

Fresh mula sa kanyang maikling bakasyon si Pambansang Ginoo David Licauco.

Bumisita siya sa Melbourne, Australia bago tumungo sa Bicol para maka-bonding ang kanyang extended family.

"Nagpunta 'ko ng Bicol for my lola's birthday. Taga doon kasi 'yung mother's side ko. Much-needed rest, I would say. Saka kinailangan at ginusto ko rin talagang makita 'yung relatives ko in Bicol," kuwento ni David.

Source: davidlicauco (IG)

Sa ngayon, balik na ang aktor sa taping ng kanyang GMA Prime action-drama series na Never Sa Die.

Ibinida rin niya ang mga dapat abangan sa susunod na mga episodes ng serye.

"Actually, very exciting na 'yung mga mangyayari sa Never Say Die. May love story, 'tapos biglang magiging intense. Magiging suspense siya, thriller," paliwanag ni David.

Bukod dito, pinaghahandaan na rin niya ang isang upcoming celebrity basketball game kung saan makakaharap niya ang Kapamilya aktor na si Gerald Anderson.

Magsisilbi silang team captains ng mga kupunan na binubuo ng mga kapwa nila celebrities.

"Ako, pangarap ko na makalaban 'yung kabila eh. Kasi, wala lang, to represent GMA. For us na mga taga Sparkle, from GMA, gusto namin ipakita na maggaling din 'yung mga Sparkle na mag-basketball," lahad ni David.

Abangan si David Licauco sa Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.