
Grateful si Pambansang Ginoo David Licauco sa sampung taon niya sa showbiz industry at malampasan ang iba't ibang hamon sa kaniya bilang isang aktor.
Sa panayam sa kaniya ni Athena Imperial, inamin ni David na hindi niya inakalang magiging artista siya, lalo na at malayo ito sa totoong gusto niyang makamit noon.
"It's a far-fetched idea. Growing up, feeling ko nu'ng simula, basketball talaga, and then nag-shift siya pagka-graduate ko, naisip ko, 'A, magnenegosyo ako,'" sabi ni David.
Ngunit ayon sa aktor, nagbago ang lahat ng plano niya noong lumapit ang showbiz opportunity sa kaniya.
Ani David, "beyond grateful" siya hindi lang sa malalaking roles niya tulad ni Fidel sa Maria Clara at Ibarra at Hiroshi sa Pulang Araw, kundi maging sa simple roles niya noong nag-uumpisa pa lamang siya.
"May mga roles na naglalakad lang ako, or like konting linya lang. If I didn't do that, if I didn't start from that, I wouldn't be where I am today," sabi ng aktor.
Kuwento pa ni David, ang hindi niya pagpasok sa basketball varsity noong 11 taong gulang siya ang nagtulak din sa kaniya para gawin lagi ang best niya.
"I feel like dahil sa kaniya, naging passionate ako sa lahat ng ginagawa ko, Dahil sa kaniya, it felt to me like I wanted to reach higher goals," sabi ni David
Proud din ang pinakaunang manager ni David na ngayon ay First Vice President na ng Sparkle GMA Artist Center na si Joy Marcello sa continuous progress ng aktor.
"He looks carefree, parang tatawa-tawa, but he's really a serious person, especially when it comes to his craft. He keeps on learning, tanong 'yan ng tanong, even his director, he co-actors," sabi ni Joy.
Saad pa nito, "I am very proud of him, Sparkle is very proud of him."
Panoorin ang panayam kay David dito:
BALIKAN ANG ILAN SA MGA COOLEST TRAVEL PHOTOS NI DAVID SA GALLERY NA ITO: