GMA Logo David Licauco
Photo: davidlicauco (Instagram)
What's Hot

David Licauco, ipinasilip ang buhay bilang negosyante

By Marah Ruiz
Published October 23, 2025 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Ipinasilip ni David Licauco ang isang bahagi ng buhay niya bilang negosyante.

Bukod sa pagiging beloved na artista, isa ring masipag na negosyante si Pambansang Ginoo David Licauco.

Ipinasilip niya ang isang bahagi ng buhay niya bilang businessman, partikular ang pagiging isang restaurant owner.

Photo: davidlicauco (Instagram)



Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni David ang isang maikling video ng pagtikim niya sa ilang potensiyal na bagong putahe ng kanyang cafe.

Kasama ang kanyang business partners at head chef, pinagdiskusyunan nila ang lasa ng mga putahe, presyo ng mga ingredients, proseso ng pagluluto, paghahain, at maging ang pagpre-presyo nito para sa consumers.

Bahagi ito ng research and development ng kanyang negosyo o 'yung proseso ng paggawa ng mga bagong produkto at pag-improve ng mga existing nang produkto.

@davidlicauco New dishes at Sobra coming soon :) @Sóbra Cafe ♬ original sound - David Licauco


Abala na rin si David sa taping ng kanynag upcoming primetime series na Never Say Die.

Isa itong action-drama series na pagbibidahan nila ni Star of the New Gen Jillian Ward.

Makakasama nila ang ang malaki at all-star na cast, kabilang sina Richard Yap, Kim Ji Soo, Analyn Barro, at Raheel Bhyria.

Bahagi rin ng cast sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.

KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA NEVER SAY DIE DITO:



Maipapamalas din ni David ang kanyang husay sa basketball sa exhibition game na "Shoot of Asia."

Bahagi siya ng Team Philippines' Kuys Showtime kasama ang mabuting kaibigan na si Dustin Yu, Never Say Die co-star Wendell Ramos, The Voice Kids Coach Billy Crawford, It's Showtime hosts Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ion Perez, at marami pang iba.

Makakatunggali nila ang Team Korea Rising Eagles na kinabibilangan naman nina Minho ng SHINee at Johnny ng NCT.

Mapapanood ito sa October 26 sa Mall of Asia Arena.