GMA Logo Barbie Forteza, David Licauco, Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

David Licauco kay Barbie Forteza: 'Nandito lang ako para sa 'yo'

By Jimboy Napoles
Published February 6, 2023 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, David Licauco, Fast Talk with Boy Abunda


Bukod sa pag-amin na posible niyang ligawan si Barbie Forteza kung naging single ito, may sweet na mensahe pa si David Licauco para sa aktres. Alamin DITO:

May sweet na mensahe ang tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco para sa kanyang on-screen partner na si Barbie Forteza sa kanilang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda.

Sa February 6 episode ng naturang programa, enjoy na sumalang sina Barbie at David sa masayang kuwentuhan kasama ang batikang host na si Boy Abunda.

Dito ay inamin ni David na posible niyang ligawan si Barbie kung sakaling naging single ito.

Matamis naman ang naging tugon dito ng aktres. Aniya, “Siguro kapag nakilala ko siya deeper, kapag naging close siya sa family ko and all basta 'yung talagang kapag nalaman ko kung paano siya manligaw, maybe I'll have an answer then.

“But now, we're really good friends, so, yes.”

Dahil sa natatamong mainit na suporta ng maraming fans sa kanilang tambalan bilang FiLay o Fidel at Klay mula sa kanilang mga karakter sa Maria Clara at Ibarra, nagbigay ng mensahe sina Barbie at David para sa isa't isa.

Sweet na mensahe si David para kay Barbie, “Keep chasing your dreams tsaka, maging grounded ka lang, galingan mo pa, at nandito lang ako para sa'yo.”

Makahulugan din ang naging sagot na mensahe ng aktres para kay David. Ayon sa aktres, patuloy ang pagiging humble ng aktor sa kabila ng tinatamasang kasikatan ngayon.

“I'm so proud sa na-achieve mo and what I like most about you, hindi ka nagbago, you're still the same David na nakilala ko and kahit sikat na sikat ka na ngayon sobrang humble mo pa rin,” ani Barbie.

Samantala, subaybayan sina Barbie at Fidel sa huling dalawang linggo ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, weeknights sa GMA Telebabad.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.