What's Hot

David Licauco, looking forward sa laban nila ni Gerald Anderson

By Marah Ruiz
Published April 17, 2026 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Balitanghali Livestream: April 17, 2026
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Looking forward si David Licauco sa basketball game laban kay Gerald Anderson.

Pinaghahandaan na ni Pambansang Ginoo David Licauco ang upcoming basketball game niya laban sa aktor na si Gerald Anderson.

Sina David at Gerald ang magsisilbing team captains ng dalawang celebrity teams na maghaharap sa Mall of Asia Arena sa May 3.

Looking forward daw si David sa kanilang friendly game.

"Ako, pangarap ko na makalaban 'yung kabila eh. Kasi, wala lang, to represent GMA. For us na mga taga Sparkle, from GMA, gusto namin ipakita na maggaling din 'yung mga Sparkle na mag-basketball," pahayag ng aktor.

Refreshed si David matapos ang maikling bakasyon kasama ang kanyang pamilya.

"Nagpunta 'ko ng Bicol for my lola's birthday. Taga doon kasi 'yung mother's side ko. Much-needed rest, I would say. Saka kinailangan at ginusto ko rin talagang makita 'yung relatives ko in Bicol," bahagi niya.

Source: davidlicauco (IG)

Samantala, napapanood si David sa GMA Prime action series na Never Say Die.

Ibinida niya ang mga dapat abangan sa susunod na mg episodes ng serye.

"Actually, very exciting na 'yung mga mangyayari sa Never Say Die. May love story, 'tapos biglang magiging intense. Magiging suspense siya, thriller," lahad niya.

Abangan si David Licauco sa Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.