GMA Logo David Licauco in Laro Laro Pick
What's on TV

David Licauco, magbibigay ng pera sa 'Laro Laro Pick' contestant

By Marah Ruiz
Published February 2, 2026 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Grupo sang mga lalaki, nagrambol sa Brgy. Bolilao, Mandurriao; 4 arestado | One Western Visayas
Maintain a healthy heart with these supplements
24 Oras Livestream: February 2, 2026

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco in Laro Laro Pick


Nangako si David Licauco ng Php 30,000 sa isang "Laro Laro Pick" contestant sa 'It's Showtime.'

Isang generous gift ang hatid ni Pambansang Ginoo David Licauco sa pagbisita niya sa hit noontime variety show na It's Showtime.

Si David ang naging celebrity partner ng isang contestant sa game segment na "Laro Laro Pick."

Suwerteng nakaabot si David sa jackpot round kung saan kailangan niyang sagutin ang tanong na "Ayon sa Chinese zodiac, ang taong 2026 ay year of the fire horse. Bukod sa fire, ang iba pang elementong bumubo sa Chinese zodiac ay wood, earth, water, at ano pa?"

Ang tamang sagot ay metal pero hindi ito nakuha ng aktor.

Bilang suporta niya sa contestant na si Japong, nangako si David na personal niya itong bibigyan ng regalo.

"Sorry. Bibigyan kita ng (Php) 30k," simpleng pahayag niya.

Lubos naman ang pasasalamat ni Japong at niyakap pa si David.


Samantala, ngayong gabi, February 2, magsisimula ang pagbibidahan niyang action-drama series na Never Say Die.

Gaganap si David sa serye bilang Andrew Dizon, investigative journalist na may sariling online series na gumagawa ng mga expose laban sa mga kurakot, kabilang na ang mga pulis.

Ang Never Say Die ay kuwento paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist. Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw , mapipilitan silang magtulunan para mapabagsak ang isang malaking drug syndicate.

Bukod kina David bahagi rin ng serye sina Star of the New Gen Jillian Ward, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Munji-Laurel, Winwyn Marquez, Analyn Barro, at marami pang iba.

SILIPIN ANG MOTORCADE AT MEDIA CONFERENCE NG 'NEVER SAY DIE' DITO:


Abangan ang upcoming action-drama series na Never Say Die, simula February 2, 8:55 p.m. sa GMA Prime.

May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.