
Sasabak sa isang celebrity basketball showdown si Pambansang Ginoo David Licauco.
Makakalaban niya dito ang aktor at kapwa sports enthusiast na si Gerald Anderson.
Makikita sa Instagram ang isang maikling video kung saan pabirong naghahamunan ang dalawa.
"Alright, that was a good game. Pero may naririnig kasi akong parang may mga ibang celebrities na parang naghahamaon. Let's see," lahad ni Gerald.
"Ano 'yun? Let's see? Sure ka ba diyan na hinahamon mo kami? Ikaw bahala. Okay na sana 'yung record niyo na hindi kami kasali. If that's what you want then, game, pagbibigyan namin kayo. Laro tayo. Basta mag-ready kayo ha," sagot naman ni David.
Kasado ang ang kanilang basketball match at inanunsyo na rin kung sino ang magiging bahagi ng kanilang teams.
Kabilang sa kupunan ni David sina Will Ashley, Paul Salas, Josh Ford, EA Guzman, Andre Paras, Anthony Constantino, Prince Carlos, Kimson Tan, at Mateo Monzones.
Sina Tommy Tiangco, Binsoy Namoca, RK Bagatsing, Johannes Rissler, Malupiton, Argel Saycon, Tristan Ramirez, at Elyson de Dios naman ang bubuo sa team ni Gerald.
Wala pang detalye sa ngayon kung kailan ang laro at maging ang ticket selling para dito.
Source: bidasaarena (IG)
Kasabay ng paghahanda niya para sa upcoming celebrity basketball game, nagte-training din si David para sa muling pagsabak niya sa indoor fitness competition na Hyrox.
Balak niyang sumali sa Hong Kong leg nito na nakatakda ngayong parating na May.
Napapanood din si David sa GMA Prime action series na Never Say Die.
Abangan siya dito mula Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.