What's on TV

David Licauco, mapapanood na sa finale week ng 'Beauty Empire'

By Jansen Ramos
Published September 26, 2025 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ano ang malagim na sinapit ng lalaking kumukuha ng bola ng pickleball? | GMA Integrated Newsfeed
Local budget airline announces Manila-Riyadh routes
GMA Pinoy TV Lights Up at the GMA Network Center with a Billboard That Spreads Joy: 'Home for the Holidays!'

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco in beauty empire


Maghahatid ng kilig ang karakter ni David Licauco sa huling linggo ng GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na 'Beauty Empire.'

The long wait is finally over dahil mapapanood na si David Licauco sa GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.

Lalabas na ang kanyang karakter na si Javier, na maghahatid ng kilig sa gitna ng mga matitinding eksena sa finale ng serye na mapapanood sa susunod na linggo.

Sa teaser ng programa, makikilala ni Javier sa isang cafe si Noreen, ang karakter ni Barbie Forteza.

Bibigyan ni Javier ng complimentary chamomile tea si Noreen dahil napansin niyang mukhang stressed ang dalaga.

NARITO ANG PASILIP SA GUEST APPEARANCE NI DAVID LICAUCO SA BEAUTY EMPIRE:

Mapapanood ang huling apat na araw ng Beauty Empire Lunes hanggang Huwebes (September 29-October 2), 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito sa Viu.