
The wait is over para sa BarDa fans dahil reunited ang kanilang paboritong love team na sina Barbie Forteza at David Licauco.
Related gallery: David Licauco and Barbie Forteza's kilig photos are here to steal your heart
Sa showbiz report ni Nelson Canlas para sa GMA Integrated News na ipinalabas sa 24 Oras, ipinasilip ang reunion moments ng BarDa sa isang event.
Bukod dito, excited ang kanilang supporters sa muli nilang pagsasama sa telebisyon bilang co-stars.
Sa naging panayam ni Nelson sa Kapuso actress, may pahapyaw ang huli sa nalalapit na appearance ni David sa Beauty Empire, ang pinagbibidahan niyang serye ngayon.
Pahayag ni Barbie, “Baka this week na po lumabas ang role ni David as Javier very soon sa Beauty Empire. Opo, mapapanood n'yo na po ulit ang BarDa.”
Si David naman, masayang ibinahagi na na-miss niyang katrabaho ang aktres.
“Happy dahil nakapag-acting na ako. Sabi ko nga kay Barbie, namiss ko siya katrabaho especially sa larangan ng acting dahil the past few months what we have been doing ay shoots not 'yung acting talaga,” sabi ng tinaguriang Pambansang Ginoo.
Abangan ang mga eksena nina Barbie at David sa collaboration series ng GMA at Viu Philippines na Beauty Empire.