
Focused daw si Pambansang Ginoo David Licauco sa kanyang goals ngayong 2026.
Dahil diyan, mas naging strikto daw siya sa kanyang sarili.
"I think I'm harder on myself now because I have different priorities. Ako 'yung type na medyo mindless sa mga nangyayari sa paligid but now siyempre I have a different goal," kuwento ng aktor.
Malaking responsibilidad para kay David ang maging lead star ng GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Gumaganap siya rito bilang Andrew Dizon, investigative journalist na may sariling online series na gumagawa ng mga expose laban sa mga kurakot, kabilang na ang mga pulis.
Mas tumaas din daw ang respeto at panghanga niya sa mga journalists dahil sa kanyang role.
"It's not easy pala, 'yung magtatanong ka, I would say, out of the box," lahad niya.
Proud daw si David na napapanahon at may hatid na mga aral ang kanilang serye.
"It's not purely entertainment. Marami silang matututunan with regards to being aware sa nangyayari sa Pilipinas. Marami kasing challenges dito. Lahat kami maraming problema, maraming pinagdadaanan pero lalaban ako para sa pamilya ko, para sa tama, kaya siya Never Say Die," paliwanag niya.
Ang Never Say Die ay kuwento paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist. Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw, mapipilitan silang magtulunan para mapabagsak ang isang malaking drug syndicate.
Bukod David, bahagi rin ng serye sina Star of the New Gen Jillian Ward, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Munji-Laurel, Winwyn Marquez, Analyn Barro, at marami pang iba.
SILIPIN ANG MOTORCADE AT MEDIA CONFERENCE NG 'NEVER SAY DIE' DITO:
Abangan action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.