
Maraming nakapansin sa improvement sa pag-arte ni Kapuso leading man David Licauco sa paglabas niya sa bagong GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Ikinatuwa naman ni David ang positive feedback na natatanggap niya bilang isa sa mga lead actors ng isang serye na maraming award-winning at mga beteranong aktor.
Source: davidlicauco IG
"Natuwa ako na after all these years na nagpa-practice ako ng acting, finally mayroon na rin nakakita na kaya ko rin palang umarte. I want to steer away from the notion of people sa akin na pa-cute, pa-guwapo, pa-hubad hubad. Dito sa 'Mano Po,' na appreciate at nakita ng mga tao 'yung kung ano 'yung gusto ko talagang maipakita sa kanila throughout the years," pahayag ni David sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Gumaganap si David sa serye bilang Anton Chan, ang unang lehitimong anak ng yumaong si Edison Chan. Isa siya sa mga tagapagmana ng naiwang yaman at negosyo nito.
Marami pa raw dapat abangan mula sa kanyang Mano Po Legacy: The Family Fortune character na si Anton, partikular ang mga eksena niya kasama si Steffy--ang karakter ni Barbie Forteza, pati na ang magiging conflict niya sa iba pang mga kapatid at tagapagmana.
"'Yung development ng character ni Anton, talagang maganda. Nakakatuwa kasi mahirap 'yung role. Maraming dramatic scenes for me na sobrang na-enjoy ko kaya abangan na lang natin 'yun. Makikita nila 'yung other side of David Licauco kasi the past teleseryes I've been receiving were mostly romcom. Ito different genre talaga siya," paliwanag ng aktor.
Patuloy na panoorin si David sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, mas kilalanin pa si David sa gallery na ito: