
Masayang ipinagdiwang ng chinito heartthrob Dustin Yu kahapon (May 12) ang kaniyang kaarawan.
Sa Instagram post ng Sparkle actor, ibinahagi niya ang kaniyang birthday wish sa special day na ito.
Sabi niya sa caption, “Wishing myself another year of growth and wisdom. Cheers to another year around the sun!”
Makikita sa comment section na may kulit hirit ang Pambansang Ginoo sa wish ni Dustin. Nagkatrabaho ang dalawa sa primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune noong 2022.
Komento ni David, “Ano naman kung bday mo.”
Natatawang tugon naman ng birthday boy, “Legal age na HEHEE.”
Ilang celebrities din ang nagpaabot ng pagbati kay Dustin Yu sa kaniyang kaarawan tulad nila Lexi Gonzales at BJ Pascual.
Source: dustinyuu (IG) and davidlicauco (IG)
KILALANIN ANG SPARKLE ACTOR NA SI DUSTIN YU RITO: