GMA Logo David Licauco
Source: 24 Oras
What's Hot

David Licauco, may pointers mula DZBB para gampanan ang role sa 'Never Say Die'

By Kristian Eric Javier
Published September 7, 2025 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Puspusan ang paghahanda ni David Licauco para sa bagong role niya sa 'Never Say Die.'

All-out ang paghahanda ni Pambansang Ginoo David Licauco para sa karakter na gagampanan niya bilang investigative vlogger sa upcoming serye na Never Say Die. Sa katunayan, nakakuha pa siya ng pointers mula sa radio personalities ng DZBB kung papaano mas epektibo niyang magagampanan ang kaniyang role.

Sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ni David na bukod sa action scenes ay pinaghahandaan din niya ang kaniyang role bilang isang investigative vlogger.

“'Yung role ko sa Never Say Die, isa akong vlogger na journalist. Through my videos, maybe on platforms, du'n ko na-e-express kung ano 'yung gusto ko at ayaw ko sa Philippines. 'Yung training nga namin this morning was mostly about how to convey what you feel, what you want to share to the viewers,” sabi ng aktor.

Para mas mapalapit sa kaniyang role, kumuha ng pointers si David mula sa DZBB. Kwento ng aktor ay naka-meeting niya si Boss Orly Trinidad ng DZBB na nagbigay sa kaniya ng pointers kung papaano niya dapat gampanan ang role bilang isang investigative vlogger. Ayon sa aktor, “very insightful” ang naturang broadcaster sa kaniya.

“'Yung role ko dito, medyo similar sa ginagawa niya so it was just nice for the production to think about it, to pick up the knowledge from someone na batikan na sa larangan niya,” sabi ni David.

Dahil malayo ang role niya sa upcoming serye kumpara sa mga nagampanan na niya noon, marami umanong natutunan si David mula DZBB. Mas lalo raw na-inspire ang Pambansang Ginoo na maging kapanipaniwala siya bilang isang investigative vlogger sa ibinigay na pointers at training.

“At first, siyempre when you hear about being a radio broadcaster, you would automatically think na 'O, kailangan 'yung boses mo deep, very straightforward. But actually, sinabi sa akin ni Boss Orly na siyempre, it will also matter kung sino 'yung nakikinig. You have to pivot and learn kung paano gusto mapakinggan ng isang Gen Z o millennial 'yung news,” pagbabahagi ng aktor.

Panoorin ang panayam kay David dito:


BALIKAN ANG SIARGAO GETAWAY NI DAVID SA GALLERY NA ITO: