
Isang real-life Barbie ang kilala sa Batangas City.
Simula pagkabata, pangarap na raw ni Tricia Mirambil na maging mala-Barbie.
Kwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "Favorite ko po talaga si Barbie. Number one fan niya po ako ever since nung bata pa po ako. Umabot po sa point na nagko-collect po ako ng mga Barbie stuff.
Ipinakita niya rin ang kanyan koleksyon ng mga Barbie. "Ang pinakamahal dito is 'yung mga dolls. Mga nasa PhP3,000 to PhP4,000 na rin."
Pati sa vlogging, naging inspirasyon niya si Barbie. "Pinanindigan ko na po talagang buhayin si Barbie."
Mula sa iba't ibang style ng pananamit ni Barbie, pati sa buhok nitong blonde, ginaya ni Tricia. "Meron po siguro akong 20 or 25 [na wigs], 'yung iba po natapon na."
Related gallery: Filipina celebrities who look like Barbie in pink
Dahil dancer si Tricia, pinanindigan niya na rin na mag-kilos Barbie.
Ito rin ang nakatulong sa kanya noong may pinagdaanan siyang depresyon at ang nakatulong rin ito sa kanya sa mga TV auditions.
Ang pangarap niyang maging leading man?
"Si David Licauco po, parang ang galing galing niyang ka-love team. Sa personality rin po, at cute po siya."
Ang dream date niya kasama si David Licauco, matupad kaya?
Panoorin sa episode na ito ng KMJS: