
Napapanood na si David Licauco sa bagong historical drama ng GMA na Pulang Araw.
Kilala siya sa serye bilang si Hiroshi Tanaka, na unang binigyang-buhay ng young actor na si Migz Diokno.
Sa report ni Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras, inilahad ni David na na-meet na niya si Maria Ozawa.
Si Maria ay gumaganap bilang nanay ni Hiroshi na si Haruka Tanaka.
Pagbabahagi ni David tungkol sa pagkikita nila ni Maria, “Actually, paakyat dito, nakita ko si Maria Ozawa.”
Kasunod nito, inamin ng Kapuso actor na na-starstruck siya nang makaharap na niya si Maria.
“Nagulat ako na andiyan siya saka ang ganda niya,” pahayag niya.
Matatandaan na bago magsimula ang pagpapalabas ng Pulang Araw, nag-viral si David nang maglaro siya sa Family Feud, kung saan isinagot niya ang pangalan ni Maria Ozawa.
Video courtesy: GMA Integrated News
Samantala, bukod kay David, napapanood din sa historical drama series sina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Dennis Trillo, at iba pang mahuhusay na aktor.
Related content: David Licauco's modern gentleman looks from his 'Kapuso Profiles' shoot