GMA Logo David Licauco
What's on TV

David Licauco, nag-improve ang acting dahil sa 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published January 30, 2026 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cade Cunningham helps Pistons stave off Warriors rally
Brandon Espiritu gives lessons on gym etiquette
4 killed, 1 hurt in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Napabuti daw ni David Licauco ang kanyang acting dahil sa 'Never Say Die.'

Laging bukas si Pambansang Ginoo David Licauco sa pagpapabuti ng kanyang acting.

Nagkaroon siya ng pagkakataon para dito sa upcoming action-drama series na Never Say Die.

Sa media conference ng serye, natanong kay David ang isang bagay na kinailangan niyang i-unlearn o matutong kalimutan habang ginagawa ang serye.

Ibinahagi ni David ang isang funny anecdote mula sa set.

"I think I had this mannerism while acting na lagi akong naka ganyan (dilat ang mata). Sinasabihan ako ni (Senior Program Manager) Ms. Edlyn (Tallada) na lagi nga daw akong naka ganoon, nakabuka 'yung bunganga. I feel like maybe in real life I'm really like that 'di ba? I had to unlearn that," natatawang kuwento ng aktor.

Ongoing process naman daw para kay David ang pagpapabuti ng kanyang craft.

"I'm still recovering from it kasi hindi naman ganoon kabilis ma-break ang habits ng isang tao. Hopefully, I'm getting there, hopefully," lahad niya.

Gaganap siya sa serye bilang Andrew Dizon, investigative journalist na may sariling online series na gumagawa ng mga expose laban sa mga kurakot, kabilang na ang mga pulis.

Dahil dito, makakairingan niya ang pro-cop vlogger at anak ng pulis na si Joey Delgado, karakter ni Jillian Ward.

Ang Never Say Die ay kuwento paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist.

Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw, mapipilitan silang magtulunan para mapabagsak ang isang malaking drug syndicate.

Bukod kina David at Jillian, bahagi din ng serye sina Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Munji-Laurel, Winwyn Marquez, Analyn Barro, at marami pang iba.

SILIPIN ANG MOTORCADE AT MEDIA CONFERENCE NG NEVER SAY DIE DITO:

Abangan ang upcoming action-drama series Never Say Die, simula February 2, 8:55 p.m. sa GMA Prime.

May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.