What's Hot

David Licauco, nagbigay ng update sa 'Never Say Die' taping

By Marah Ruiz
Published October 11, 2025 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Fung-wong (Uwan) Nov. 7, 2025
1,000 pamilyang nasalanta ng Bagyong Tino sa Talisay, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
3 Ka Tonelada nga Karne sa Manok ug Baboy, Nasakmit | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Nagbigay ng update si David Licauco tungkol sa taping ng 'Never Say Die', ang serye na pagbibidahan nila ni Jillian Ward.

Tuloy ang lang taping ni Kapuso actor David Licauco para sa kanyang upcoming show na Never Say Die.

Isa itong action-drama series kung saan makakasama niya sina Jillian Ward, Kim Ji Soo, Raheel Bhyria, at marami pang iba.

"Nasa week four na kami, nagte-taping. It's such a joy to work with Jillian and the rest of the cast na napakagaan lang. Relaxed lang kami, no pressure. I'm really enjoying," update ni David tungkol sa kanilang programa.

Nakabuo na rin daw sila ng magandang camaraderie dahil ilang linggo na ring magkakasama sa taping.

"Actually, ako 'yung pinakamagaling na dancer talaga sa showbiz. Hindi ko na siya pinapakita ngayon kasi para ibigay naman natin sa iba 'yun. Tinuruan ko sila," biro ni David tungkol sa mga TikTok videos na kinukunan nila in between takes.

Pero sa seryosong usapan, masaya si David na maka-bonding ang co-stars kahit na may kaunting age gap sa mga ito.

"Siyempre ako, kailangan ko to join them, makisama. Very light pa sila. Si Jillian, she's still young. Si Raheel, he's very young also. Si Ji Soo rin, parang bata rin. Siyempre, kailangan kong makisama," paliwanag ni David.

KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA 'NEVER SAY DIE' DITO:


Sa gitna naman ng pagiging busy sa taping, nakakapagsingit pa rin si David ng ilang mga activities na malapit sa kanyang puso.

Kagagaling lang niya ng Singapore kung saan dumalo siya sa Formula 1 Singapore Grand Prix.

"I met a lot of people. 'Yung whole F1 experience is not just watching sports. It's like a real event na ang daming festivities. I'm just really really happy and nakita ko, ang pogi ni Charles Leclerc," paggunita niya sa experience.

Source: wawiebarroga (IG)

Bukod dito, maipapamalas din ni David ang kanyang husay sa basketball sa exhibition game na "Shoot of Asia."

Bahagi siya ng Team Philippines' Kuys Showtime kasama ang mabuting kaibigan na si Dustin Yu, Never Say Die co-star Wendell Ramos, The Voice Kids Coach Billy Crawford, It's Showtime hosts Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ion Perez, at marami pang iba.

Makakatunggali nila ang Team Korea Rising Eagles na kinabibilangan naman nina Minho ng SHINee at Johnny ng NCT.

Mapapanood ito sa October 26 sa Mall of Asia Arena.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.