
Sa muling pagkikita ng matalik na magkaibigang sina David Licauco at Dustin Yu, may bago silang nakasama sa kulitan at ito ay si Bianca De Vera.
Sa X (dating Twitter), nag-post si Pambansang Ginoo ng photo nina Dustin at Bianca habang magkakasama silang tatlo sa isang restaurant.
"Mahirap pala mag third wheel shet," isinulat ng aktor.
Sa comments section, may nakakatuwang interaksyon sina David at Vince Maristela nang mapag-usapan nila ang pagiging third wheel.
"Ako nga 5th wheel," sabi ni Vince.
Sagot ni David, "Yun lang!"
"Di natin sila bati," nakakatuwang reply ni Vince.
Mahirap pala mag third wheel shet pic.twitter.com/Yhws8e0MIk
-- David Licauco (@davidlicauco) July 22, 2025
Kamakailan lamang, naging 5th wheel si Vince kina Dustin, Bianca, AZ Martinez, at Ralph De Leon sa isang basketball game.
Si Dustin at Bianca ay isa sa mga naging Pinoy Big Brother ships sa loob ng Bahay ni Kuya na tinawag na "DustBia."
Samantala, tingnan dito ang fanmeet nina Dustin Yu at Bianca De Vera: