
Medyo namalikmata ang mga fans at supporters ni Pambansang Ginoo David Licauco sa social media pagkatapos nitong mag-upload ng picture niya na mayroong kakaibang gupit.
Makikita sa isa sa pinaka-recent na post ni David sa opisyal niyang Facebook account ang picture niya na kalbo at merong bigote. Simpleng “Hi” lamang ang caption na nilagay niya para dito.
Umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa kanyang mga fans at Facebook followers. As of this writing, lagpas na sa 14,000 ang mga reactions nito, lagpas 400 ang comments, at na i-share na higit sa 200 beses.
Nakisakay naman ang mga comments sa pakulo ni David.
Edited lamang ang photo na in upload ni David, dahil ang orihinal na photo ay in-upload niya nitong nakaraang araw lamang.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakilig ng kanyang mga followers sa social media si David. Noong nakaraang taon ay kinilig din ang mga fans sa kanyang “boyfriend” posts kung saan nag-upload siya ng picture na nakasimangot at may caption na “Tagal mo reply” na may teary-eyed emoji. Noong una niya itong i-post, nakakuha ito ng 168,000 reactions, lagpas sa 13,000 comments, at na-ishare ito ng higit sa 16,000 beses. As of this writing, umabot na sa lagpas 300,000 ang reactions, lagpas sa 18,000 ang comments, at na-ishare na ito ng higit sa 25,000 na beses.
Nakisakay din ang mga netizens sa post na iyon at nakipag-flirt din kay David sa comment section.
Kasalukuyang mapapanood si David sa Never Say Die.