GMA Logo Boy Abunda David Licauco Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

David Licauco, nagulat nang malamang may alam si Boy Abunda tungkol sa kanyang past relationship

By Jimboy Napoles
Published February 7, 2023 10:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda David Licauco Fast Talk with Boy Abunda


May nakatutuwang reaksyon si David Licauco nang napagtanto niyang maraming nalalaman si Boy Abunda tungkol sa kanyang previous relationship. Balikan ang kanilang naging usapan DITO:

Dumagdag na sa listahan ng mga artistang na-hot seat interview ng King of Talk na si Boy Abunda ang Kapuso actor na si David Licauco.

Sa February 6 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, fresh na sumalang sa “The Talk” interview ang breakout love team na sina David at Barbie Forteza kasama si Boy.

Sa nasabing panayam, hindi naiwasang tanungin ni Boy si David tungkol sa kanyang naging past relationship sa hindi pinangalanang aktres.

Inumpisahan ni Boy ang diskusyon sa tanong na, “Are you single now?”

“Yes, I'm single,” mabilis na sagot ni David.

“Hmm 'di naman ako naniniwala. Nagkabalikan kayo e?” nakangiting tanong ni Boy.

Sandaling natahimik si David at sumagot, “Hindi. Hindi na talaga.”

David Licauco

Pagpapatuloy naman ni Boy, “I will not be mentioning her because she was so private.”

Dito na mas nagulat si David nang madiskubreng alam ng batikang host ang kanyang past. “You know her Tito Boy?,” tanong ni David.

“Of course,” natatawang sagot ni Boy.

Hindi naman bumitaw si Boy sa usapan nila ni David at nagbigay pa ng ilang mga detalye tungkol sa past relationship ng aktor.

Aniya, “I know you separated, naghiwalay kayong dalawa and then ang alam ko there's another guy involved na kilala nating dalawa. Was that the reason David?”

“Bakit alam niyo 'yun?” nagtatakang tanong ng aktor.

Tugon naman niya, “Yeah I would say that was the reason behind the breakup. I mean among other things 'yun 'yung pinaka-main reason."

Sundot naman ni Boy Abunda, “I know she was ready to settle down and you were not ready."

Dito na mas tila kinabahan ang aktor pero patuloy na sinagot ang tanong ng batikang host.

Aniya, “Yeah I'm not ready. Goal getter kasi ako mas gusto ko 'yung career muna and siya kasi nasa stage na siya ng…”

Saglit naman na napahinto si David dahil hindi pa rin makapaniwalang alam ni Boy ang detalye ng kuwento nila ng kanyang ex-girlfriend.

“Hindi ko gets bakit alam. Parang wala naman akong sinabihan?,” natatawang sinabi ni David.

Sagot naman ni Boy, “David naman, maliit ang mundo. Pero uulitin ko ang tanong, nagkabalikan ba kayo?”

“Nagkabalikan kami pero nag-decide kami na maghiwalay na,” pagtitiyak naman ni David tungkol sa kanyang past.

Samantala, subaybayan naman sina David at Barbie bilang Fidel at Klay sa huling dalawang linggo ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, weeknights sa GMA Telebabad.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.