GMA Logo david licauco
Celebrity Life

David Licauco, nakabili ng bagong property sa Siargao

By Kristian Eric Javier
Published September 17, 2025 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 2 up in 7 areas as Ada further intensifies
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


Isang bagong investment ang nabili ni David Licauco sa kaniyang pagbabakasyon sa Siargao.

Mahigit isang linggo nagbakasyon si David Licauco sa Siargao. Pero tila may halong work ang kaniyang pahinga dahil nakapag-invest pa siya ng property roon.

Sa report ni Athena Imperial para sa 24 Oras nitong Martes, September 17, nagbakasyon umano ang Pambansang Ginoo sa kabila ng kaniyang busy schedule para magkaroon siya ng work-life balance.

“Kasi, like you always want more, pero minsan nakakalimutan natin maging grateful kung ano na 'yung meron tayo. So 'yun 'yung ginagawa ko ngayon, trying to take a step back kasi ako 'yung type ng person na, 'Gusto ko pa, gusto ko pa, gusto ko pa,'” sabi ni David.

Mga magulang pa umano ni David ang nag-udyok at nagpayo sa kaniya na magbakasyon dahil sa sunod-sunod na projects, endorsements, at paglalaro nito ng basketball. Bukod kasi sa endorsements at sports, abala din ang aktor sa paggawa ng bago niyang seryeng Never Say Die kasama si Jillian Ward.

“In Manila, working, traffic, and everything else, you know? But in Siargao, it's different. It felt to me na I was close to humanity, to nature,” sabi ng aktor.

TINGNAN ANG IBA'T IBANG NEGOSYO NA NAITAYO NI DAVID SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa kaniyang pamilya, kasama rin ni David ang kapwa Sparkle star na si Jay Ortega, na na-enjoy rin ang island life.

Pagbabahagi ni Jay, “The vibe, the vibe na parang ang sobrang kalma. 'Yung mga tao, sobrang simple, sobang simple ng buhay.”

Ibinahagi rin ni David na napili niyang mag-invest sa Siargao. Plano umano ng aktor na magkaroon ng isang villa o resort sa isla, bagay na suportado naman ng kaibigan at kapwa businessman na si Dustin Yu.

“Nasa planning stage pa lang siya, kiunukwento na niya sa akin, sobrang nae-excite siya. Ang dami na rin niyang businesses na successful and of course, this one naman, real estate, so for me, win-win rin 'yan,” ani Dustin.

Panoorin ang panayam kay David dito: