GMA Logo David Licauco
What's on TV

David Licauco, nakatanggap ng papuri sa pagganap sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

By Marah Ruiz
Published January 11, 2022 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Batid ng marami ang galing sa pag-arte ni David Licauco sa pagganap niya sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune.'

Umani ng papuri si Kapuso actor David Licauco para sa kanyang pagganap bilang Anton Chan, isa sa mga tagapagmana sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Batid ng mga manonood ang galing sa pag-arte ni David sa primetime serye.

Alinsunod naman ito sa pangako ni David na ipapakita ang kanyang improvement sa pamamagitan ng serye.

Sa kuwento, ang karakter ni David na si Anton ang unang lehitimong anak ng yumaong si Edison Chan. Bilang panganay, si Anton ang inaasahang magmamana ng family business. Gayunpaman, nais niyang patunayan na karapatdapat siya bilang isang tagapagmana.

Patuloy na panoorin si David bilang Anton sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.

Samantala, mas kilalanin pa si David sa gallery na ito: