
Sinulit ni Pambansang Ginoo David Licauco ang bakasyon niya kamakailan.
Nagbiyahe siya papuntang Melbourne, Australia at tumungo naman sa Bicol para bisitahin ang ilang kamag-anak.
"Nagpunta 'ko ng Bicol for my lola's birthday. Taga doon kasi 'yung mother's side ko. Much-needed rest, I would say. Saka kinailangan at ginusto ko rin talagang makita 'yung relatives ko in Bicol," bahagi ni David.
Pinaghahandaan na rin niya ang isang upcoming celebrity basketball game kung saan magsisilbi siyang team captain.
Makakalaban niya ang kupunan ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.
"Ako, pangarap ko na makalaban 'yung kabila eh. Kasi, wala lang, to represent GMA. For us na mga taga Sparkle, from GMA, gusto namin ipakita na maggaling din 'yung mga Sparkle na mag-basketball," lahad niya.
Napapanood din si David sa GMA Prime action series na Never Say Die.
Ibinida niya ang mga dapat abangan sa susunod na mg episodes ng serye.
"Actually, very exciting na 'yung mga mangyayari sa Never Say Die. May love story, 'tapos biglang magiging intense. Magiging suspense siya, thriller," paliwanag niya.
Abangan si David Licauco sa Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Related content: David Licauco enjoys relaxing beach getaway with family