What's Hot

David Licauco, nakita ang "future" matapos makipag-bonding kay Baby Argus

By Marah Ruiz
Published September 24, 2023 12:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


Tila nakita ni David Licauco ang kanyang future matapos ang bonding nila ni Baby Argus.

Pinusuan ng maraming netizens ang meet up nina Pambansang Ginoo David Licauco at It's Showtime young star Baby Argus.

Magkasamang nag-bonding ang dalawa sa restaurant ni David na Kuya Korea.

Nag-dance battle pa ang dalawa at nag-duet ng trending song na "Raining in Manila" ng bandang Lola Amour.

"Nakakaaliw sobra si Argus kasi parang alam mo 'yung at five years old tapos ganoon na siya katalino. Ang dami niyang sinasabi, ang dami niyang tanong sa akin. Sobrang curious siya about life tapos nakikita ko na very bubbly siya," paglalarawan ni David kay Argus.

Bumisita rin ang dalawa sa isang toy store at kumuha ng pictures sa photo booth sa arcade bilang remembrance ng pagkikita nila.

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

Source: davidlicauco (IG)

Dahil parehong Chinito cuties, hirit ng mga netizens na puwedeng pumasa bilang mag-ama sina David at Argus.

"'Yun na nga eh. Practice nga daw eh sabi nila. Nag-holding hands kami, lakad lakad kami sa mall. Parang uy, ito yata 'yung future ko ah," lahad ni David.

May pahabol pa raw na special request si Argus para kay David

"Actually, in-invite ako ni Argus. Sabi niya sa akin, 'Kuya David, punta ka ng It's Showtime. Bisitahin mo ako.' Sabi ko, 'Sige, basta sasamahan mo ako," kuwento ni David.

SILIPIN ANG BONDING NI DAVID LICAUCO AT BABY ARGUS DITO:

Kasalukuyang bumibida si David sa GMA Telebabad series na Maging Sino Ka Man, kasama si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza. Patuloy siyang tunghayan sa serye, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras.

Bahagi naman ng hit segment na "Isip Bata" ng noontime show na It's Showtime si Argus kaya abangan siya dito mula Lunes hanggang Biyernes, 12:00 p.m. at Sabado, 2:30 p.m. sa GTV.

Panoorin rin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.