GMA Logo David Licauco Sanya Lopez in Samahan ng Mga Makasalanan
What's Hot

David Licauco, napadasal sa eksena nila ni Sanya Lopez sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan'?

By Aedrianne Acar
Published March 29, 2025 1:04 PM PHT
Updated March 29, 2025 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Cebu province, Cebu City suspend classes for Monday, January 19, 2026
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco Sanya Lopez in Samahan ng Mga Makasalanan


'Pambansang Ginoo' David Licauco, nagkuwento sa bikini scene ni Sanya Lopez sa comedy movie na 'Samahan Ng Mga Makasalanan.'

Gugulatin na naman ng Pambansang Ginoo na si David Licauco ang kaniyang fans sa bago niyang movie na Samahan Ng Mga Makasalanan dahil ipapakita naman niya dito ang versatility niya bilang actor.

Makikipagsabayan si David sa ilan sa mga pinakamahuhusay na comedy talents ng bansa sa comedy film bilang si Sam na isang Deacon.

Sa idinaos na media conference ng pelikula nitong Huwebes (March 27), nagkuwento si David sa isang hindi niya malilimutan eksena kasama ang tinaguriang First Lady of Primetime na si Sanya Lopez.

Gumaganap si Sanya bilang Mila. Dati nang nagkawork sina David at Sanya sa groundbreaking GMA Prime series na Pulang Araw.

Kuwento ng Sparkle leading man sa miyembro ng press, “Parang nahiya ako for Sanya, 'yung parang naka-bikini ba 'yun. 'Yung naka-bikini siya parang, 'Shucks, nakakahiya,' parang ang hirap ng ginagawa niya ngayon ah 'di ba 'yun lang naman.”

Hirit pa ng Pambansang Ginoo sa co-star, “'Tsaka, nagulat ako na sexy 'di ba? [laughs]”

Pinuri naman ni Sanya si David sa galing nito na makisama sa kanilang cast.

Aniya, “Tahimik lang. Very nonchalant 'di ba po? Pero ang cute lang na marunong siyang makisama. At hindi rin po ako nahirapan.”

Manood sa mga sinehan at mapabilib sa mga mahuhusay na mga aktor at aktres na kasama sa Samahan Ng Mga Makasalanan na ipapalabas sa April 19.

RELATED CONTENT: 'Samahan Ng Mga Makasalanan' actors, nagsama-sama sa pagkuwento ng kanilang pelikula