
Pahinga muna ang Pambansang Ginoo na si David Licauco sa pagte-taping ng upcoming historical drama series na Pulang Araw dahil next week ay lilipad siya patungong Australia para manood ng Eras Tour ni Taylor Swift.
“I'll be watching Taylor Swift's concert. If you you may not know, I'm a huge Taylor Swift fan,” pagbabahagi ni David kay Nelson Canlas sa "Chika Minute" para sa 24 Oras kahapon, January 25.
Dagdag pa ni David ay bata pa lang siya ay fan na siya ng singer-songwriter, at ibinahaging nakapanood pa ng concert ni Taylor noong 2014 sa Araneta Coliseum. Sa isa sa mga dati niyang post, ibinahagi rin ni David na work out song niya ang kanta nito na "Love Story."
“Now, nag-iba na 'yung songs niya, until now, fan pa rin niya 'ko,” sabi ni David.
Magtatagal ang bakasyon ng aktor ng isang linggo at ayon dito ay gagamitin niya ang kanyang break para makasama ang pamilya.
“I actually visit Australia frequently because of my sister, she lives there. She has her family na sa Australia so yeah, probably once a year, I visit Australia,” sabi niya.
BALIKAN ANG BAKASYON NI DAVID AT NG KANYANG PAMILYA SA HONG KONG SA GALLERY NA ITO:
Ito na rin ang perfect time para magbakasyon si David dahil ayon sa aktor, magiging busy siya hindi lang sa taping ng kanilang serye, kundi dahil na rin sa pagbubukas ng kanyang bagong restaurant at taping para sa bagong pelikula nila ni Barbie Forteza.
Samantala, aminado rin si David na naging mas madali ang taping ng kanilang serye na Pulang Araw dahil umano kay Barbie. Ayon sa aktor ay ito ang sumalubong sa kanya nang una siyang pumunta sa set.
“I think it's been a while since I saw her, kaya of course, kahit papaano na-miss ko rin naman,” sabi niya.
Dagdag pa ng aktor, “Again, lagi kong sinasabi kapag katrabaho ko si Barbie, [nandoon] 'yung assurance na parang magiging okay ang lahat.”
Panoorin ang buong interview ni David dito: