GMA Logo david licauco
Courtesy: David Licauco on Facebook
What's Hot

David Licauco, pangarap bumida sa Filipino adaptation ng 'Itaewon Class'

By Nherz Almo
Published August 8, 2026 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala emotional after hard-fought Canadian Open victory over Caty McNally
Palawan's Angelica Lopez is Reina Filipinas Grand International 2026
P14.6M suspected smuggled cigarettes seized in NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


Isa raw sa mga iniidolo ni David Licauco ang South Korean actor na si Park Seo-joon.

Habang binata pa, gusto raw ni David Licauco na gumawa pa ng mga proyektong nagpapakita ng “sense of youth.”

“Since I'm gonna be a bit older, gusto ko sana i-maximize yung sense of youth. I mean, yung youth energy ng shows—romantic, love, drama,” sabi ni David nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media sa ginanap na solo press conference niya kahapon, August 7. Ito ay para sa pagpirma niya ng kontrata sa Viva Films.

Nabanggit din ng Kapuso actor na kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang bumida sa local adaptation ng South Korean drama.

“Actually, yun ang gusto ko talaga, K-drama adaptation, yun talaga yung gusto ko. So, habang medyo pwede pa naman yung looks ko, pwede pa naman yata magganun,” ani David.

Nang tanungin kung may partikular siyang K-drama na napupusuan, sinagot niya ang Itaewon Class, na pinagbidahan ni Park Seo-joon

“Business-centric yung show, marami kang matutunan. I feel like yun ang story ko sa buhay,” paliwanag ni David.

“Kasi, yung kuwento nun nagsimula siya from nothing to something to everything through hard work and persistence. And nasa restaurant business din siya, so I feel like medyo parehas kami ng life story kaya gustung-gusto ko yung istorya mo.”

Bukod sa istorya nito, inamin ni David na humahanga rin siya sa galing ni Park Seo-joon bilang aktor.

“Ang lakas kasi ng dating ni Park Seo-joon, di ba? At saka ang galing niyang actor, parang I feel like sa iba-ibang series na ginagampanan niya iba talaga yung lumalabas. Siya ang pinakapaborito kong Korean actor talaga,” pahayag niya.

Kung sakali, ano ang mas pipiliin ni David, maging solo lead o muling maipareha sa isang aktres?

Sagot ng 31-year-old actor, “For me naman, whatever works. Kung mag-work ang partnership ko with an actress then, I'll be okay with that na magkaroon pa ng isang project with her. Ako naman, kahit sino naman, I'm okay.”

Sa palagay raw niya, isa naman siyang versatile actor, “Ako naman, gusto ko lang mag-improve sa every project na I'm part of. So, if the people think na I did a good job in this show then, I will be happy with that.”

Related gallery: David Licauco's journey through his many showbiz roles