
Todo hiyawan ang fans ng binansagang "Pambansang Ginoo" na si David Licauco nang magkaroon ito ng guest appearance sa coronation night ng Mutya ng La Union 2023 noong Huwebes, March 2, sa Baywalk Poro Point sa San Fernando City, La Union.
Hinarana ni David ang mga kandidata ng nasabing local beauty pageant at ang audience nito.
Nagkaroon din ng fan meeting ang Kapuso breakthrough actor kung saan dinumog siya ng kanyang mga tagasubaybay doon.
Patunay diyan ang video na ito sa TikTok kung saan naririnig ng pageant hosts na sina Robi Domingo at Miss Grand Philippines 2020 Samantha Bernardo mula sa stage ang sigawan ng fans nang makita si David.
@iamchiekz Replying to @Meowchi grabiiiiiiii biglang nagka fan meeting 😂😂✌🏻 #fidel #davidlicauco #filay #BarDa #klay #mariaclaraatibarra #launion #davidlicaucaunion #fyp #fypシ ♬ original sound - Chiek Carlos
Tila bantay-sarado rin si David sa kanyang fans na hinintay siyang lumabas mula sa kanyang holding room.
Maririnig sa video na ito na tinawag si David sa kanyang Maria Clara at Ibarra character na Fidel kung saan siya lubos na nakilala.
@cessnotwo welcome to eLyU @David Licauco ❤️❤️❤️ at si pogi na naka blue🤣#davidlicauco #fyp ♬ original sound - 🐝
Natapos man ang pag-ere ng Maria Clara at Ibarra sa telebisyon, pinahiwatig naman ni David na may susunod siyang proyekto kasama ang kanyang onscreen partner na si Barbie Forteza.
Tinawag ang kanilang love team na "FiLay" na kumbinasyon ng character names nila sa hit primetime series na Fidel at Klay.
NARITO ANG IBA PANG NAKAKAKILIG NA KUHA NI DAVID LICAUCO: