
Isang milestone moment na naman ang pinaghahandaan ni David Licauco dahil plano nitong magpagawa ng luxury villa sa Siargao.
Sa Chika Minute interview ni Nelson Canlas noong Biyernes ay sinabi ng Sparkle star na nasa designing phase na siya ng planong luxury villa.
“Nasa phase na 'ko ng designing, and then hopefully, after this teleserye, matuloy ko na 'yung construction dahil ako kasi 'yung type na very hands-on sa mga ginagawa ko,” ani David.
Bukod sa planong villa ay balak rin ni David na sumali sa isang global indoor fitness competition ngayong taon.
Ayon sa aktor ay puspusan ang paghahanda niya para rito dahil goal niyang mag-place sa event na gaganapin sa Taiwan ngayong February.
Sa parehong interview rin ay inihayag ni David Licauco kung bakit hindi siya takot sa failure.
“For me, it excites me. Kasi if you fail, matututo ka, eh. Kapag natuto ka, hindi ka na magkakamali sa next,” sagot ni David.
Dagdag pa niya, “Maybe 'di mo siya mape-perfect, pero you're one step closer to being good. Failure talaga 'dun talaga nagsisimula in my opinion.”
Gaganap si David Licauco bilang si Andrew Dizon, isang investigative journalist, sa upcoming action-drama series na Never Say Die. Kasama niya rito sina Jillian Ward, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Munji-Laurel, Winwyn Marquez, Analyn Barro, at marami pang iba.
RELATED GALLERY: David Licauco ejoys a blissful getaway in Siargao