
Pagkatapos ng trabaho, naglaan ng bonding time ang Never Say Die stars na sina David Licauco, Raheel Bhyria, at Kim Ji Soo para sa isa't isa.
Sa kanilang day off, magkakasamang naglaro ng basketball ang tatlo sa isang indoor court.
Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni Raheel ang isang maikling video nila pagkatapos ng laro.
@kleanpapi post game 🧖♂️🏀 @David Licauco @Kim Ji Soo ♬ Dracula (JENNIE Remix) - Tame Impala & JENNIE
May sarili ding post si Ji Soo ng kulitan nila sa court.
@actor_kimjisoo 😎😎😎
♬ original sound - 🤍🎧
Bukod sa taping, busy si David sa training niya para sa indoor fitness competition na Hyrox.
Pinaghahandaan na niya ang pagsali sa Hong Kong leg nito na nakatakda ngayong parating na May.
Ipinagpapatuloy rin si Raheel ang kanyang boxing training matapos maka-recover mula sa isang major injury.
Rumampa naman si Ji Soo kamakailan sa fashion show ng Filipino designer na si Randy Ortiz para sa menswear line nito.
Patuloy na panoorin sina David Licauco, Raheel Bhyria, at Kim Ji Soo sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.