
Well-rested si Pambansang Ginoo David Licauco matapos ang magbakasyon kasama ang kanyang pamilya noong nakaraang Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa aktor, kinailangan daw niya ang break na ito para paghandaang harapin ang 2026.
"All throughout the year last year I was working. I got a proper recharge for this year so ngayon ready na tayo magtrabaho uli," pahayag ni David.
Image Source: davidlicauco (Instagram)
Nagbalik na siya para sa taping ng kanyang upcoming action-drama series na Never Say Die.
Ready na rin siyang harapin ang hamon ng pag-arte kasama ang mga beteranong artista sa serye.
"Si Ms. Gina Alajar, makaarte ko 'yung ganoong level, I was learning a lot. Para ko siyang mom. I feel na she cares about me," lahad ni David.
Happy rin daw siya na kahit mabibigat ang mga eksena sa serye, lagi pa ring may light moments sa set kasama ang iba pa nilang co-stars.
"Of course si Jillian (Ward), si (Kim) Jisoo, and si Raheel (Bhyria), it's always fun to work with them kasi they're the young ones," bahagi ng aktor.
Excited na rin si David na maipalabas sa telebisyon ang Never Say Die dahil sa napapanahong tema ng serye.
"I think it's nice to be part of a teleserye na binibigyan ka ng awareness. Nagbibigay tayo ng awareness sa mga manonood, sa mga Kapuso natin, dahil kailangan nilang malaman 'yung mga nangyayari. As an actor, kailangan mong gawin 'yung best mo dahil it's more than just entertainment," aniya.
Malaki at all-star ang cast ng Never Say Die, kabilang sina Richard Yap, Analyn Barro, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, at Jonathan Villoso.
Mapapanood ang Never Say Die ngayong February sa GMA Prime.
Samantala, panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay David Licauco para sa 24 Oras sa video sa itaas.
RELATED GALLERY: David Licauco enjoys relaxing beach getaway with family