
Sa darating na Linggo (April 3), mayroong kakaibang paandar ang classic dating game ng late night comedy program na The Boobay and Tekla Show.
Sa unang pagkakataon, ang ating male searcher at tatlong babaeng contestants ay magkikita eye-to-eye sa simula pa lamang ng laro. Walang blindfold at walang pader sa kanilang pagitan!
Ang kaabang-abang na segment na ito ay ang “Pusuan Na 'Yan: Summer Edition,” kung saan magsisilbing matchmakers ang comedy duo na sina Boobay at Tekla kay Kapuso hunk David Licauco at sa tatlong sexy ladies na nagnanais makuha ang puso ng aktor.
Source: davidlicauco (IG)
Sasabak ang tatlong contestants sa iba't ibang tests ni David mula improv acting, sayawan, hanggang pisikal na mga laro. Matapos ang mga ito, pipili ang aktor ng babaeng dadalhin niya sa isang beach date.
Bago matapos ang masayang gabi, tatlong nakakatawang video na isinumite ng loyal viewers ng TBATS ang itatampok sa segment na “Pasikatin Natin 'To!”
Mapapanood din sa episode na ito ang Mema Squad regulars na sina Jennie Gabriel, John Vic de Guzman, Pepita Curtis, at Ian Red.
Exciting 'di ba? Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, silipin ang hottest photos ni David Licauco sa gallery na ito.