
David Licauco just wished Barbie Forteza a happy birthday!
The Pambansang Ginoo took to Facebook to greet Barbie on her birthday with a short message that was overflowing with kilig.
"Kung mamarapatin mo, nais kitang handugan ng isang taos-pusong pagbati," panimula ng aktor.
"Maligayang Kaarawan, Binibining Klay!" pagbati ni David sa kaniyang "Binibining Klay" na si Barbie.
Sa comments section, maraming kinilig na fans at nagsabing kanina pa nila hinihintay ang pagbati ni David kay Barbie. Ilan pa nga ay umaasang muli silang magsasama sa isang proyekto.
"Kanina ko pa hinihintay ito Ginoo!" sabi ng isang BarDa fan.
Komento ng isa, "Talagang aking hinahanap-hanap ang muling pagsasama ni Binibining Klay at ng Pambansang Ginoo."
"How sweet naman ng aming Ginoo," sabi ng isa pang fan.
May isang tagahanga na nag-tag kay Barbie sa comments section para masiguradong makita ng aktres ang mensahe ni David.
"Ayown! Taos pusong pasasalamat sa'yo, Binibini! Sana ay ma-silayan ito ni Klay - Fidel," sagot ni David sa fan na nag-tag kay Barbie dahil hindi niya ito ma-tag sa kaniyang post.
Ipinagdiwang ni Barbie ang kaniyang 28th birthday noong Huwebes, July 31. Naglabas ito ng kaniyang birthday shoot sa Instagram na may caption na: "So, this is 28. I like it."
Kamakailan lang, sinuportahan ni David ang pelikula ni Barbie na P77 sa premiere night nito. Ibinahagi ng aktor sa kaniyang social media ang paghanga niya sa pag-arte ni Barbie at sinabing, “I'm a fan.”
Nabuo ang BarDa noong 2022 sa hit series na Maria Clara at Ibarra, kung saan gumanap si Barbie bilang Binibining Klay, habang si David naman ay si Fidel.
Samantala, tingnan dito ang kilig photos nina David Licauco at Barbie Forteza: