
Bukod sa pagiging abala sa taping ng kaniyang upcoming Kapuso series na Maging Sino Ka Man, kasama ang kaniyang on-screen partner na si Barbie Forteza, abala rin ngayon sa paghahanda para sa nalalapit na GMA Gala 2023 si Pambansang Ginoo David Licauco.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni David na galing pa sa ibang bansa ang kaniyang suiy na isusuot para sa nasabing event.
Aniya, “Medyo pinaghirapan ko 'yung this year's gala kasi binili ko sa Hong Kong 'yung damit ko, 'yung susuotin ko.”
Napangiti naman si David nang tanungin siya tungkol sa kung sino ang magiging date niya para sa GMA Gala 2023.
“Wala, wala akong date,” natatawang sinabi ni David.
Matatandaan na natapos na rin ang shooting ng movie nila ng aktres na si Barbie na pinamagatang That Kind Of Love, na ipalalabas sa mga sinehan ngayong taon.
Samantala, ang GMA Gala 2023 ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba't ibang institusyon na lubos na nangangailangan.
Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Gala 2023 sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.
MAS KILALANIN PA SI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: