
Dala ng maturity at experience, hindi na raw gaanong mahiyain ngayong si Kapuso actor at Pambansang Ginoo David Licauco.
May mas malalalim na raw siyang pagkakaintindi sa mundong kanyang ginagawalan kaya isa raw ito sa mga bagay na binago niya sa kanyang sarili.
"Before, I'm not so friendly to everyone just because I grew up in a family na Chinese nga so medyo mahiyain. There's nothing wrong with being quiet but siyempre, I think sa real world, we have to learn communication skills, how you present yourself. Obviously, pati 'yung pakikitungo sa mga tao. I think now I'm more empathetic with everybody," bahagi ni David.
Tulad ng malaking pagbabago sa kanyang sarili, ganito rin daw ang tema ang kanyang upcoming movie na Samahan ng mga Makasalanan.
Gagaganap si David dito bilang Deacon Sam, isang baguhang pari na madedestino sa Sto. Cristo, bayan na puno ng mga sugarol, magnanakaw, chismosa, at iba pa.
"Kapag nagkamali ka, puwede ka pang magbago. That doesn't mean na if you do soemthing bad, forever ka nang masama. Maraming chances sa life eh. I think its just a matter of having self-awareness na if nagkamali ako sa bagay na ito, tatatanungin ko 'yung sarili ko kung bakit ko siya nagawa and then kung paano ko siya hindi na ulit gagawin," lahad niya.
Makakasama ni David sa pelikula sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, at marami pang iba.
NARITO ANG PASILIP SA MGA DAPAT ABANGAN SA SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN:
Mapapanood ang Samahan ng mga Makasalanan simula Black Saturday, April 19, sa mga sinehan nationwide.