GMA Logo David Licauco
Source: davidlicauco (IG)
Celebrity Life

David Licauco, sumabak sa Hyrox training

By Marah Ruiz
Published February 5, 2026 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Will Ashley, Xyriel Manabat prove they are 'pinalaki ng SexBomb' in new video
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa March 2, 2026 | Balitang Bisdak
South Korea's Super Matcha is opening first PH branch at this Ortigas mall

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Sumabak si David Licauco sa training para sa fitness competition na Hyrox.

Isang bagong sport ang sinubukan ni Pambasang Ginoo David Licauco.

Sumabak kasi siya kamakailan sa training para sa indoor fitness competition na Hyrox.

Ang Hyrox ay kombinasyon ng running at ilang functional exercises tulad ng rowing, burpees, pagbubuhat ng kettlebells, at ilan pa.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni David ang ilang highlights ng kanyang training.

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

Very athletic si David at mahilig siya sa basketball.

Matatandaang sumali pa si David sa isang 3x3 basketball league.

Naging bahagi din siya ng "Shoot of Asia" exhibition game kung saan nakalaro niya ang K-pop stars na sina Minho ng SHINee at Johnny ng NCT.

Samantala, busy si David sa taping ng kanyang bagong action-drama series na Never Say Die.

Gumaganap siya dito bilang Andrew Dizon, investigative journalist na may sariling online series na gumagawa ng mga exposé laban sa mga kurakot, kabilang na ang mga pulis.

Bukod kay David, bahagi din ng serye sina Star of the New Gen Jillian Ward, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Munji-Laurel, Winwyn Marquez, Analyn Barro, at marami pang iba.

Abangan ang action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.

May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.