GMA Logo David Licauco Hyrox
Source: davidlicauco (IG)
What's Hot

David Licauco, tagumpay sa unang sabak sa Hyrox

By Marah Ruiz
Published March 1, 2026 2:22 PM PHT
Updated March 2, 2026 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Will Ashley, Xyriel Manabat prove they are 'pinalaki ng SexBomb' in new video
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa March 2, 2026 | Balitang Bisdak
South Korea's Super Matcha is opening first PH branch at this Ortigas mall

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco Hyrox


Tagumpay si David Licauco sa unang pagsabak niya sa Hyrox.

Sulit ang training ni Pambansang Ginoo David Licacuo para sa indoor training competition na Hyrox.

Matatandaang sinimulan niyang magsanay para dito simula noong nakaraang Pebrero.

Ang Hyrox ay kombinasyon ng running at ilang functional exercises tulad ng rowing, burpees, pagbubuhat ng kettlebells, at ilan pa.

Sumalang si David sa competition sa Taiwan nitong March 1 sa Taipei, Taiwan.

Nagtala siya ng oras na 01:07:48 kaya pasok sa rank 11 ng age group na 30 to 34.

Samantala, bumibida si David Licauco sa bagong GMA Prime action-drama series na Never Say Die kasama sina Star of the New Gen Jillian Ward, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo at marami pang iba.

Panoorin ito mula Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.