
Excited at masaya si David Remo sa pagbabalik teleserye sa GMA para sa sports drama series na Bolera kung saan makakasama niya si Kylie Padilla.
Ayon sa aktor, marami siyang na-miss sa taping dahil aniya matagal din siyang nawalan ng bagong serye.
"Nakakatuwa kasi ang tagal ko pong hindi nag-taping. Ang tagal ko pong nawalan ng bagong series. Nakaka-miss mag-acting, nakaka-miss mag-enjoy sa set," pagbabahagi ni David.
Sa Bolera, ginagampanan ni David ang karakter ni Tres, ang supportive na kapatid ni Joni (Kylie).
"Ako po si Tres. Ako po ang kapatid ni Ate Kylie at isa po siya sa pinanghuhugutan ng lakas ni Ate Joni. Todo ang suporta niya sa ate niya, sa nanay niya and close na close talaga sila. Maganda 'yung character ni Tres, interesting," paliwanang ng aktor.
Photo by: davidremo_official (IG)
Humanga rin si David sa lahat ng aktor na kasama niya sa serye dahil sa husay ng mga ito sa pag-arte. Aniya, "Si Tita Jaclyn, si Ate Kylie, si Kuya Rayver, as in lahat magaling!"
Makakasama rin ni David sa seryeng ito sina Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Al Tantay, Via Veloso, Sue Prado, Ge Villamil, Julie Lee, at Luri Vincent Nalus.
Abangan ang world premiere ng Bolera ngayong May 30, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady sa GMA Telebabad.
Samantala, mas kilalanin pa si David Remo sa gallery na ito: