
Masayang ipinakita ni David Remo ang natanggap na regalong cue stick o tako mula kina billiard masters Johann Chua at Geona Gregorio.
Sa Instagram, makikitang gamit ni David habang naglalaro ng billiards ang tako na ibinigay sa kanya ng dalawang billiard masters.
"Thank you Kuya [Johann Chua], Ate [Geona Gregorio] sa bagong tako," pasasalamat ni David.
Agad na nag-iwan ng komento sina Johann at Geona sa post na ito ni David.
"Enjoy," komento ng Billiards World Champion at National Team Member na si Johann.
"Welcome! Enjoy your new cue," dagdag naman ng National Collegiate Billiards League, Letran Team Captain na si Geona.
Mapapanood si David sa upcoming sports drama ng GMA na Bolera bilang si Tres, ang nakababatang kapatid ni Joni na ginagampanan ni Kylie Padilla.
Makakasama rin ni David sa seryeng ito sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, at Al Tantay.
Abangan ang Bolera sa darating na Mayo sa GMA Telebabad.
Samantala, mas kilalanin pa si David Remo sa gallery na ito: