
Isang nakakalungkot na balita ang ibinahagi ni Comedy Queen Aiai Delas Alas sa Instagram matapos siyang manakawan sa sarili niyang bahay.
#WalangPinipili: Artista na ninakawan
Sa Instagram post ng award-winning comedian noong Biyernes, September 6, huli na nang malaman niyang nawawalan siya ng bag sa loob ng sariling kuwarto.
Heto ang buong post ng Kapuso star tungkol sa naturang insidente.
“Maraming salamat sa station 6 qc police and 10 SOCO sa tulong nila sa amin ngayon araw na ito. Kagabi nanakawan kami, maliit lang pero ang stressful. Nakapasok siya sa kwarto namin at nakuha nya bag ko.
“Tanghali na nung nalaman ko nawawala ang bag ko dahil magbabayad ako sa gumawa ng color and haircut ng nanay ko sa house.
"Nakita ko na lang na nasa kalye ang bag ko, sa tabi ng gulong ng kotse na tagong tago. Ipinagpapasalamat ko din na walang nasaktan samin ni Gerald.”
Sa huli, nagbigay payo si Aiai sa mga tao na mag-doble ingat.
“Salamat kay LORD at prinoteksyunan Niya kaming mag-asawa. Mag-ingat na lang tayong lahat kasi IBA NA TALAGA ANG BUHAY NGAYUN. #bevigilant #ingatpadinkahitnasasubdivisionkanakatira”