
Ginulat ng versatile actress na si Maricar de Mesa ang maraming followers niya sa Instagram. Sa katunayan confident at proud na pinapasilip ni Maricar sa image-sharing platform ang kaniyang baby bump.
Marami tuloy netizens ang na-curious at tinanong ang aktres kung sino ang lucky guy.
Sa isang panayam naman ng isang showbiz website noong May 2016 ay umamin si Maricar de Mesa na may constant date siyang non-showbiz guy na foreigner.
Kinasal si Maricar sa basketball player na si Don Allado noong December 2006, pero matapos ang walong taon ay nag-file siya ng annulment.
TRIVIA: 15 Celebrity couples who filed for annulment & divorce
Nagpaabot naman ang mga Kapuso celebrities na sina Janine Gutierrez at Ariella Arida ng kanilang pagbati sa soon-to-be mommy.