
Binalikan ng The Better Woman actress Andrea Torres ang mga pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Andrea Torres on Michael V's directorial film debut: "Gugulatin niya 'yung mga tao"
Sa panayam ni Kapuso showbiz reporter Nelson Canlas, ikinuwento niya na sa edad na anim na taon gulang ay nagsimula niyang tuparin ang dream niyang maging artista.
Kuwento ni Andrea, “Ako 'yung tipong pumupunta talaga ako ng audition. So parang natuto na lang ako kung paano maging better na talent or artista, based sa dami ng audition na napuntahan ko.”
Inalala rin niya ang mga panahon na ume-extra siya noon at kumikita ng Php 500 sa buong araw na pagtatrabaho.
“Pero umabot po ako dun sa point na passers-by pinatulan ko 'yun, baba ng tricycle maglalakad kunwari sa likod ng artista sa church.
“Naalala ko 'yung mommy ko parang 'ano ka ba anak umuwi na tayo kasi walang stand by area'.
“Tapos magkano lang 'yung bayad sa akin noon Php 500, tapos buong araw 'yun. Abunado pa 'yung mommy ko sa mga damit, kasi sabi ko mommy kailangan maganda 'yung mga damit ko pag dadaan ako, kasi malay mo mapansin ako ng manonood. Baka may manood na direktor,” ani Andrea.
Kahit naging mahirap ang showbiz journey ng Kapuso actress, wala daw itong problema dahil determinado ito na makamit ang kaniyang pangarap.
Taos-puso din ang pasasalamat ni Andrea Torres sa kaniyang mga magulang na todo ang suporta sa napili niyang career.
“Gusto ko talaga mag-artista at lahat talaga ng ways para mapansin ako ginawa ko. Nag-host ako not because gusto ko maging host pero dahil feeling ko makakapunta ako sa set ng isang teleserye para makakapag-internship ako,
“Ang bait naman ng parents ko kasi talagang binibilhan ako ng mga damit, makeup. Talagang [supportive] sila.”