
Nitong Miyerkules, May 17, ay ipinagdiwang ni Kapuso actress Kris Bernal ang kanyang 28th birthday.
May trabaho si Kris sa araw na iyon, kaya laking gulat ng Impostora star nang makitang puno ng bulaklak ang trunk ng kanyang kotse.
"The biggest and grandest flower arrangement I've ever received.. Wow!" saad niya sa caption.
Makikita sa comments section ng kanyang Instagram post na marami ang nagtatanong kung kanino galing ang mga bulaklak, pero wala pang kumpirmasyon galing sa aktres.
Si Kris ngayon ang cover girl ng May issue ng FHM Philippines. Malapit na rin siya mapanood sa Impostora sa GMA Afternoon Prime.
READ: Kris Bernal, aminadong nahihirapan sa kanyang mataray role sa 'Impostora'
Sa tingin n'yo, sino ang nagbigay ng mga bulaklak na ito?