
Malinaw ang mensahe ng former Contessa star na si Karel Marquez para sa pregnant women: huwag ikahiya ang kanilang stretch marks.
Ito ang gustong ipaabot ng celebrity mom sa mga nanay na pinoproblema ang kanilang stretch marks dulot ng kanilang pagbubuntis.
Isang netizen kasi ang nag-komento sa Instagram photo ni Karel sa Club Paradise sa Palawan kung saan ipinasilip niya ang kaniyang baby bump.
Ani Karel, “Meron madami din light ones below, normal lang yan wear it proud kasi dahil doon ang proof na pinagdaanan to become a mom.”
Ilang celebrities din ang hanga kay Karel Marquez na glowing kahit preggy sa first baby niya with Sean Farinas.
Nakatakdang manganak siya sa darating na July.
MUST-SEE: Karel Marquez is pregnant with baby number 3