
Hindi napigilan ni Prima Donnas star Jillian Ward na mag-fangirl matapos siyang i-follow ni Ely Buendia sa Instagram.
Ramdam na ramdam ang tuwa ng Kapuso teen actress sa kanyang Instagram Story, na screenshot ng pag-follow sa kanya ng isa sa mga Pinoy rock icon.
"Waaaaaaat," sulat ni Jillian. "My favorite singer just followed me."