What's Hot

'Dear Friend' presents 'My Christmas List'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 11:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



The three child actors who were noticed for their roles in 'Stairway to Heaven', ay magkakaroon na ng sarili nilang lead roles sa 'Dear Friend'.
Ang GMA Network ay kilala sa pagkilatis at pag-develop ng talent ng mga up-and-coming stars. Kaya hindi naging sorpresa ang mai-feature ang ilan sa mga promising young artists nito sa Christmas special ng ‘Dear Friend’. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio and courtesy of GMA Network. stars"Very refreshing at tuwang-tuwa kami that we have come up with this kind of project na talagang pinagbibidahan ng mga bagets ng GMA na talaga naman napakagaling umarte," announced GMA’s AVP for Drama Lilybeth Rasonable sa press conference ng Dear Friend: My Christmas List last December 2. "Siyempre, itong ating tatlong mga bagets na una nyong nakilala sa Stairway to Heaven at kinagiliwan ninyo. Si Joshua (Dionisio), si Barbie (Forteza) at si Jake (Vargas)," continued Ms. Lilybeth. "Kaya naisipan namin gumawa ng isang project na pagsama-samahin silang lahat." Tuwang-tuwa naman ang mga batang artista dahil tuloy-tuloy ang magagandang breaks nila. "Masaya kami na naging effective ‘yung acting namin na-appreciate ng tao ang acting namin sa Stairway, kaya nire-request pa nila dito kaya ganito ulit ‘yung role namin," stated Joshua. "Malaking responsibility ‘yung binigay nila sa amin. Isang buong month kami lang. So kailangan ma-fulfill namin ang expectations ng production." Habang si Jake naman inamin na medyo may halong nerbyos siya sa panibagong role nila sa Dear Friend: "May [ka]unting kaba po dahil po ‘yung mga expectation nila, hindi namin alam kung magugustuhan nila ‘yung palabas. Sana magustuhan nila yung Dear Friend na gagawin namin nila Barbie at Joshua." Dagdag naman ni Ms. Lilybeth na may mga kasama din silang tatlong equally talented na young actresses na, "…si(la) Bea (Binene), dalaginding na siya, nagulat ako hindi na siya baby, pero nakakatuwa kasi dito na siya lumaki. Ganun din si Krystal (Reyes), dalaginding na rin, from Ang mga Mata ni Angelita." Patuloy na pinaliwanag niya na ito ay, "…part ng talent development namin, na nakakatuwa na at this young age they are showing so much potential. Definitely they have a long way to go and I am very proud of [all of] you guys." "Sana manood kayo ng Dear Friend sa December 6 na po after SOP", ang pagimbita ni Barbie sa mga manonood. "Isang napakagandang istorya po, sabay-sabay po tayong kikiligin at iiyak sa Dear Friend. Buong December po siya ipapalabas." Ang buong cast ng Dear Friend: My Christmas List ay kinatatampukan nila Eula Valdez, Ramon Christopher, Manilyn Reynes at Mosang, with the special participation of Aljur Abrenica. Pag-usapan sila Joshua, Barbie at Jake sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!