GMA Logo dear uge characters
What's on TV

Dear Uge: Ang dakilang househusband

Published December 16, 2021 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ipo Dam gate open to release water —PAGASA
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law

Article Inside Page


Showbiz News

dear uge characters


Napraning si Vic nang malaman niyang nakakasama pala ng maganda at sexy niyang misis na si Jesette ang mayamang ex nito na si Jonas sa trabaho. Ito na kaya ang katapusan ng pagsasama nila ng asawa niya?

Riot na katatawanan ang handog ng Dear Uge noong Linggo, December 12.

Sa nakaraang episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Knife Life,' handang gawin ni Vic (Pekto Nacua) ang lahat ng makakaya niya para pagsilbihan ang maganda at sexy niyang misis na si Jesette (Sunshine Guimary).

Dahil walang trabaho, naging insecure si Vic lalo pa noong nalaman niyang may komunikasyon si Jesette sa mayaman at gwapong ex-boyfriend nitong si Jonas (Rob Sy).

Mapipilitan tuloy siyang humanap ng trabaho para ma-boost muli ang kanyang confidence kaya kahit pa pagiging knife salesman ay tinanggap niya.

Napraning si Vic nang malaman niyang nakakasama pala ng misis niya si Jonas sa trabaho. Ito na kaya ang katapusan ng pagsasama nila ng asawa niya?

Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge kasama si Eugene Domingo tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

Kung nais ninyong balikan ang nakaraang episodes ng Kapuso sitcom, bisitahin lang ang GMANetwork.com o GMA Network app.