What's on TV

Dear Uge: Arra San Agustin, gustong maging Koreana!

By Jansen Ramos
Published July 14, 2021 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA creates watchdog for FMR monitoring
Alleged Dawlah Islamiyah leader, bomb expert killed in military ops
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

dear uge


Koreanang-koreana mula pananamit hanggang pananalita ang die-hard K-Pop at K-Drama fan na si Kim kaya naman dream come true nang magkaroon siya ng instant Korean boyfriend.

Riot na katatawanan at may kapupulutang aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo, July 11!

Sa nakaraang episode nitong pinamagatang 'K-Pak Ghorl,' nakilala ang Korean-wannabe na si Kim (Arra San Agustin).

Koreanang-koreana mula pananamit hanggang pananalita ang die-hard K-Pop at K-Drama fan kaya naman dream come true nang magkaroon siya ng instant Korean boyfriend na si Park So Hyun (Hyojong Kim).

Tingin ni Kim ay ito na ang magdadala sa kanya sa Korea ngunit ang lalaki ay huwad pala!

'Wanted' pala ang boyfriend ni Kim at nagtatago lang sa mga pulis. Hindi rin totoong Korean si So Hyun, bagay na nabisto ni Pedro (Kokoy De Santos) na secret admirer ni Kim.

Sino kaya pipiliin ni Kim sa dalawa?

Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters.